DANAYA Iniwan ko si JC sa sala at pumasok sa loob ng silid ko. Everything here reminds me of him, kaya hindi ko napigilang makaramdam ng sakit sa aking dibdib habang nakatingin ako sa kama. Hindi madaling kalimutan ang tatlong taon na pagsasama namin ni JC dito sa penthouse ko, and I don't think na kaya ko ngang kalimutan ang lahat. Lumabas ako sa veranda at nanghihinang sumandal sa dingding habang nakatanaw sa malawak na ciudad. Dahil gabi na, maraming bukas na ilaw sa labas. Nakikita ko ang kalawakan ng Maynila at kalapit na mga bayan, pero sa kasalukuyang estado ng puso ko, hindi ko na-appreciate ang ganda ng paligid dahil hanggang ngayon, nararamdaman ko ang sakit sa aking dibdib dahil sa pagkamatay ng anak namin ni JC. “You haven't eaten yet,” narinig kong sabi ni JC. “Gusto mo b