Chapter Seven

1559 Words
Humihikab akong pumasok sa H'nL. Inaantok pa kasi ako. Nakatulog ako kaninang tanghali perp bitin. Ngunit nabiti ang hikab ko ng makita ang pagmumukha ni Xyl, katabi si Kuya Rick. Napatingin silang dalawa sa akin. "Oh, Mira, ang aga mo yata ngayon?" Ani Kuya Rick. Lumapit ako sa kaniya at pina-check ang bag ko. "Oo nga po eh." Sagot ko naman. "Hi, Elene." Masayang bati sa akin ni Xyl. "Good afternoon, Sir Brix." Magalang kong saad. Pagkatapos, pumasok na rin ako sa loob at pumunta sa locker area. May mga naabutan ako doon na ka-shift ko. Nagtataka naman ako kung bakit umiiwas sila sa akin. Wala naman akong sakit. Ikinibit-balikat ko na lang hanggang sa marating ko ang locker ko. "Good afternoon, Sir Brix!" Bati ni Ryka na kakasarado pa lang ng locker niya. Agad akong lumingon sa aking likod at nakita doon si Sir Brix. Kanina pa ba siyang nakasunod? "Good afternoon." Bati pabalik ni Sir Brix. Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang gagawin ko dapat. I opened my locker. I get my uniform first before locking it and heading to the CR. "Sir Brix, wag niyo pong sabihing hanggang banyo ay susundan niyo ako?" Tumigil ako sa paglalakad at muli siyang hinarap. "Pwede ba?" Nakangiting tanong niya. Inirapan ko siya at muling tinalikuran. Ano na naman bang kailangan niya? Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya kahapon habang kumakain kami. At mukha talagang dapat ko ng ihanda ang sarili ko. Some of my co-workers are looking at me maliciously. Feeling ko ay dahil din yun sa nangyari kagabi noong kinausap ako ni Xyl sa labas ng H'nL. And the ending, Xyl became their driver. Lumabas agad ako ng nakapagpalit na ako ng damit. Xyl is their there, waiting for me. I took a deep breath and face him once again. "Sir Brix-" "From now on, you'll be the one who'll bring foods in my room every dinner. I already told Chef Lyka about it and she agreed." Aniya at iniwan na ako. Yun lang pala ang sasabihin niya, pinatagal pa niya. Hindi na lang niya sinabi on the spot. Napailing na lamang ako. Pumasok na ako sa loob at nag-in. I started my job. Hindi nakalampas sa paningin ko ang mga malisyosong tingin ng mga katrabaho ko. I know what they're thinking of me. At wala akong pakialam doon. Pinagpatuloy ko lang ang trabaho ko. "I'll serve it right away, Ma'am." Nakangiti kong saad sa customer at saka nagpunta sa kusina. Pagkapasok ay naabutan ko doon si Crissa at Hailey. Agad nila akong inungusang dalawa. They even both crossed their arms. "I didn't expect na may tinatago ka pa lang kalandian, Mira." Ani Crissa ng nakangisi. "Oo nga. Imagine, nalandi mo si Sir Brix." Segunda naman ni Hailey. Hindi ko sila pinansin at nagpunta sa computer para ilista ang order na hawak ko. "Akala mo kung sinong disente, nasa loob naman din pala ang kulo." Pahayag muli ni Crissa. "Oo nga. May baho rin palang tinatago." Dagdag naman ni Hailey. Doon ay nagtawanan silang dalawa. "My, my," lumapit sila sa akin. "Anong ginawa mo para mapansin ka ni Sir Brix? Did you throw yourself to him?" Napanuyong saad ni Crissa habang nakangisi. I secretly smirked. Why don't we teach them a lesson for a while? "I'm not like you. Why would I do that?" Hinarap ko silang dalawa ng may blangkong mukha. They look surprised. Hindi yata inaasahang sasagutin ko sila. "Wha.. What did you say?!" Galit na saad ni Crissa ng makahuma ito. "I'm not someone like you two who only knows how to throw themselves to any guy just to catch their attention." Sagot ko na mas nakapagpagalit sa kanilang dalawa. "Watch your mouth, Mira-" I cut Hailey off. "You should watch your filthy mouth first, Hailey. Oh, it's better if you just shut up and never speak. Ang baho kasi eh. Nagtu-toothbrush ka ba? Ah, Now I know. Siguro kaya hindi ka mapansin ni Sir Brix ay dahil mabaho 'yang hininga mo? Eew. That's gross." Tinakluban ko pa ang ilong ko para mas maasar pa siya. "You-" "Me, what? Anong meron sakin na wala kayo at hindi kayo mapansin ng pinagpapantansyahan niyong tao?" I smirked. Now they're triggered. Never lose your temper in a fight. If you lose, you're the loser. "Magaling ka lang dahil nalandi mo na si Sir Brix!" Sagot naman ni Hailey. Nalandi mo na? I see. "Na hindi mo magawa kasi nga mabaho yang hininga mo. Subukan mo kasing magsepilyo baka sakaling may magkagusto pa sayo." I answered back. She gritted her teeth. Sige lang, mainis ka. "Don't talk too big, Mira! Ngayon lang yan pero sa susunod, itatapon ka rin niya na parang basura! And I'll wait for that to happen." Saad naman ni Crissa. "See me celebrating when that time comes, Crissa." Of course. Matutuwa pa yata ako kung sakaling lulubayan na ako ni Xyl. "Oops, I gotta go." Nakita kong okay na ang orders kaya kinuha ko na ito. Nilampasan ko silang dalawa at tuluyan ng lumabas. It's kind of refreshing when I release everything that's in my mind. Nagdaan ang mga oras at sumapit ang break ko. Kahit na kita ko kung paano ako siringan at samaan ng tingin nina Crissa at Hailey, hindi ko na sila pinansin pa. Hanggang doon lang naman sila eh. "Miracle, tawag ka ni Chef Lyka." Sabi sa akin ni Primo. Tumango ako sa kaniya at nagpunta sa loob mismo ng kusina. "Oh, Mira, ihatid mo na 'to kay Sir Brix." Binigay niya sa akin ang pagkain ni Xyl. Nakita kong marami ito kesa sa hinatid ko noon. Gutom na gutom ba siya? En, ano nga palang pakialam ko? Tagahatid lang ako, wala ng iba. Kinuha ko ang tray at lumabas na sa kusina saka umakyat sa third floor. Talagang sinakto pa sa break ko eh, 'no? Nananadya yata yang si Xyl na iyan eh. Nagugutom pa naman na ako. Nakarating ako sa kwarto niya dito. Kumatok ako gamit ang paa ko, kasi syempre may hawak akong tray na puno ng pagkain baka matapon, pero walang sumagot. Ito na naman tayo. Tulog na naman ba siya? Lasing? Sigh. Muli akong kumatok at doon ko napansing nakaawang na naman ito. Hindi ba siya marunong mag-lock ng pintuan? Pumasok na ako. Ang importante ay mailagay ko ito sa side table niya. Bahala siya kung tulog o kung anuman. Xyl's not here. Nasaan siya? Ikinibit-balikat ko na lang at nagpatuloy. Pagkapasok ay nilibot ko muna ng tingin ang buong kwarto niya. I see. Common men's room. It's just simple and unbelievably neat. That's not usual to a man's room though: being neat. Tinigil ko na ang ginagawa ko at ginawa ang dapat kong gawin. I placed the tray in the side table. Maingat ko itong inilagay. Nakarinig ako ng kaluskos ko sa aking likuran kaya agaran akong napaharap doon— Natuod ako sa aking kinatatayuan. What the... "Oh, Elene, you're here." Ani Xyl na mukhang hindi man lang nagulat na makita ako dito sa loob ng kwarto niya. At mukhang wala man lang pakialam na naka-display ang abs niya. Agad akong napayuko. "Dala ko na po ang pagkain niyo. Mauna na po ako,", saad ko saka nagmamadaling umalis. Pero agad niya rin akong nahawakan sa braso. "You're not going anywhere. Not yet. Sasabayan mo pa akong kumain," aniya. Ano raw sabi niya? Siya? Sasabayan kong kumain? At bakit ko gagawin yon? "Sir—" "Brix. Brix na lang, Elene my loves." Nagpantig naman ang tenga ko sa tinawag niya sa akin. He never fails to get into my nerves. Really. "SIR Brix, hindi naman po yata magandang tingnan 'yon, SIR. Empleyado niyo po ako at amo ko kayo. Working hours po ito at dapat din pong punan ko ang trabahong nakaatang sa akin, SIR." I intentionally emphasize the word SIR para naman matauhan siya sa mga kalokohan niya. There's no way I'm going to dine with him. "I see." Tumango-tango siya waring naunawaan ang sinabi ko. Saka niya binitawan ang braso ko. Bahagya akong tumungo. "Mauna na po ako, Sir." At saka ako tumalikod na sa kaniya. Phew. Akala ko ay hindi niya ako papaalisin- "Kung gano'n..." Muli siyang nagsalita. I halted. "Elene, as your employer, you have to obey my order. I'm asking you to have a dinner with me and never leave this room unless you're done eating. That's your boss's order. Are you going to defy it? Or obey it?" What. The. Actual. Fck. Hindi talaga siya sumasablay na inisin ako. I'm so done. Parang gusto ko na lang umiyak. "Sir, pero po—" "I see. So you're not willing to obey your boss's order? How are you going to comply with your wo—" "That's not it, Sir!" Taranta kong sagot. Tangina. Hindi ko naisip na ibabalik niya ang kung anong sinabi ko. I just got backfired! "Then what is it, Elene? Ayaw mo naman sigurong matanggal sa trabaho, hindi ba? Hindi mo sinusunod ang utos sayo ng amo mo," aniya. Nakuyom ko ang aking kamao na nakatago sa aking likod. Calm down, Sabrina. Calm down! Peke akong ngumiti. "You really know how to piss people off, don't you?" Binura ko ang ngiti. "Let's eat to get it done," saad ko. Kita ko ang pagngiti niya. Ngiting panalo. His smile really pisses me off!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD