"Xyl..." I whispered. Naglakad siya palapit sa amin. Nakasunod lamang ang mga mata ko sa kaniyang hanggang sa makaupo siya sa tabi ko.
"S-Sir..." Ryka stammered. Sinong hindi mabibigla? Kung ang boss mo ay uupo kasama niyo?
"Elene," Doon ako natauhan ng binanggit niya ang pangalan ko. I looked away. Wth, anong ginagawa niya dito? Oh, yeah, given nang siya ang boss namin pero kailangan ba talagang makiupo siya samin? Anong kailangan niya?
Pinagpatuloy ko ang pagkain ko kahit naiilang ako sa presensya niya.
"S-Sir, kain po." Nauutal na saad ni Hiro.
"Salamat. Sige lang, kumain na kayo," ani Xyl. Pinagpatuloy naman din nila ang pagkain nila.
"Mine..." Napatigil ako sa pagsubo ng magsalita si Xyl. Ramdam ko ang titig niya sa akin. Napatigil din ang mga kasama ko ngayon dito.
"Mine, sorry na," saad muli ni Xyl. Nahigit ko ang aking paghinga at humigpit ang hawak ko sa kutsara ko.
What is he doing?! Nababaliw na ba siya?! Alam ba niya ang ginagawa niya?!
"Mine, pansinin mo naman ako." Mas humigpit ang hawak ko sa kutsara ng kalabitin niya ako.
"Mine..."
He's getting in to my nerves!
"Mine."
Damn!
"Mine—"
"Just what the hell do you want?!" I snapped. I slammed the table at tumingin sa kaniya ng masama.
Gulat siyang nakatingin sa akin. He gulped. "M-Mine—"
"And stop calling me mine! I'm not yours!" sigaw ko pa. Muli siyang napalunok.
Napaiwas siya ng tingin. Inayos niya ang kaniyang sarili at pekeng umubo. "I just want to say sorry for what happened earlier."
He pisses me off. Pinaalala na naman niya. I sighed. "Forget about it," sagot ko na lang.
"Talaga? Kahit hinalikan kita?" Nagpintig ang tenga ko sa sinabi. Kailangan ba niya talagang i-broadcast iyon?
Nananadya siya! NANANADYA!
I can see his innocent face as if he's wondering why did I say something like that. But at the same time, while looking at his face, it's as if I can see him smirking inside. It feels like he has ulterior motives by doing this—
Right! He does have ulterior motives!
"Oo, kahit hinalikan mo ako," I answered and smirked. Anong akala niya, hindi ko malalaman ang balak niya? Although hindi ko alam kung anong dahilan niya, I can't lose to him. If he's going to toy me again, I will play along.
"Then.. is it alright if I kiss you again?" He moved closer. Hindi ako kumibo sa aking tayo bagkus ay hinintay kong makalapit siya sa akin.
Tumingin agad ako sa mata niya saka inilipat ito sa kaniyang labi. I sweetly smiled. "Of course..." Binalik ko ang tingin ko sa mga mata niya. I erased my sweet smile. "...not."
Binaling ko aking ulo at itinuon ang atensyon sa aking pagkain. Napansin kong nakatingin lamang sa amin ang mga kasama namin dito. Nakatunganga lang sila.
Tumayo na ako. Nawalan na ako ng ganang kumain.
"Mine, san punta mo?" tanong ni Xyl. Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay.
"Sir Brix, may trabaho pa po ako. At hindi po Mine ang pangalan ko." Magalang kong sagot. "Mauuna na po ako." Bahagya pa akong yumuko. Hindi ko pa rin naman nakakalimutan na amo ko siya dito. At ngayong simula na ulit ng trabaho ko, I need to respect him as a boss.
Tumalikod na ako at iniwan silang lahat doon. Hindi pa tapos ang break ko pero nag-in na agad ako. Ayoko ng makita ang mukha ni Xyl. Nakakawalan ng gana.
Buti naman at hindi na niya ako inabala pa. Hanggang sa matapos ang shift ko ay hindi niya ako inabala—
"Hi, Elene!" —o, akala ko lang iyon? Nasa labas na kaming lahat at ang lahat ay napatingin sa kung sino ang tumawag sa akin. Bakit hindi na lang sila umalis lahat ng tuluyan at makikichismis?
Isa pa itong si Xyl. Nananadya yata 'to eh? Ang sarap niyang sapukin, suntukin, sakalin hanggang sa hindi na makahinga. Nakakainis, eh. Sobra niya akong iniinis. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa pero wala naman din akong magawa para pigilan siya.
And that pisses me more.
Relax, Sabrina. Amo mo 'yang si Xyl.
Siniko ako ni Ryka na nasa tabi ko lang.
Peke akong ngumiti at humarap sa kaniya. "Yes, Sir?" Nag-uumpisa na akong mainis. Marinig lang ang boses niya ay naiinis na ako. Sabi ko, iiwasan ko siya pero ang hirap pala. Gayong ganito ang ginagawa niya. I can't easily ignore him. Not in front of my co-workers.
"Good evening, Sir." Bati ng iba sa kaniya. Bumati naman siya pabalik.
Lumapit siya sa akin ng may malaking ngiti sa labi. "Ihahatid na kita pauwi" aniya.
Kita kong nagulat ang mga katrabaho ko sa narinig. Iisipin nilang may namamagitan sa amin ni Xyl! At mukhang kailangan ko na ring ihanda ang sarili ko para sa mga chismis na maririnig ko bukas.
"Ah, Sir, bakit ninyo po ako ihahatid pauwi?" Inosente kong tanong.
"Ahm, masama ba?" Nalungkot ang mukha niya. Parang tunay ah?
"Hindi naman po. Nagtatanong lang po kasi di ba po, amo kita? Paano kung iba ang isipin nila?" Tumingin ako sa taas waring nag-iisip ng mga sasabihin ng ibang tao sa amin.
"Is that even a bad thing? Hindi naman masamang maghatid ng empleyado ang amo nila, hindi ba?" tanong niya. I mentally smirked.
"Ah! So ihahatid niyo po kaming lahat? Tutal Sir, empleyado n'yo po kaming lahat. Magiging unfair naman po siguro kung ako lang ang ihahatid n'yo." Ngumiti ako ng matamis sa kaniya. Mukhang na-realize niya kung ano ang sinabi ko.
"A-Ah.." Napakamot siya sa kaniyang ulo.
"Waaaahhh, ihahatid tayo ni Sir?"
"Talaga? Kyaaaaahhhh! Unang beses 'tooo!"
Marami pa akong narinig mula sa mga babae kong katrabaho.
Ang aking ngiti ay napalitan ng ngisi. Ano ka ngayon? Ha!
•••
"Bye, Hiro!" Sabay naming saad ni Ryka.
"Sigurado ba kayo?" Tumango kami ni Ryka kay Hiro. Napabuntong hininga naman ito.
"Sige na. Umalis na kayo. Naghihintay na si Sir Brix." Saad ni Ryka. Umalis naman na rin si Hiro at sumakay sa van.
Yup. In the end, naging taga-hatid si Sir Brix. Hindi kami kasama ni Ryka dahil sa may susundo sa akin tapos may sasakyan naman siya. Meron ding iba na may sasakyang dala-dala.
"Ikaw Mira ah." Siniko ako ni Ryka ng makaalis ang van. Lulan din nito si Sir Brix. "Anong meron sa inyo ni Sir Brix?"
"Wala," sagot ko. Tumaas ang isa niyang kilay.
"Wala? Don't me, Mira. Hinalikan ka nga niya di ba? 'Yun ang usapan niyo kanina?" aniya. Napapikit naman ako ng mariin. Pinaalala na naman. Nanadya talaga si Xyl. Ito siguro purpose niya?
"It's really nothing. Aksidente lang 'yung kanina." Wala naman talaga 'yun. Ni hindi ko nga rin alam kung bakit niya ako hinalikan kanina.
"Aksidente? So ano 'yon? Nagkabungguan kayo tapos nauwi sa halikan, gano'n ba?" saad naman niya na sinundan ng isang irap.
"Hindi sa gano'n. Mahirap i-explain, Ryka. Basta isa lang ang masasabi ko." Tiningnan ko siya sa mata. "Wala kaming relasyong dalawa. Period."
Tinaas niya ang dalawa niyang kamay. "Okay, okay. Kung iyan ang sabi mo. Pero babalaan kita, maraming babae 'yang si Sir Brix. Noong wala ka pa dito, maraming babae ang nagpupunta dito at hinahanap siya. At mukhang ikaw ang kursunada niya. Gwapo si Sir Brix, oo, pero mas mabuting mag-ingat ka sa kaniya. 'Wag kang maiinlove sa kaniya, Miracle." I don't need her to tell me that dahil alam ko na yun. At hindi na ako muling iibig pa kay Brix.
Tama na ang isang pagkakataon at hindi na 'yon mauulit pa. I've learned my lesson.
"Thanks for reminding me that,", sagot ko sa kaniya. She tapped my shoulder.
"Oh, siya, mauna na ako. Sigurado ka bang may susundo sayo?" Tumango ako sa kaniya. "Oh, sige. Ingat ka ah."
"Ingat ka rin." Sumakay na siya sa motor niya at pinaandar ito. Ako na naman ang naiwang mag-isa dito.
I sighed. Napatingin ako sa langit. There are lots of stars in the sky tonight. And the silvery moon is shining so bright.
I smiled. Umihip ang hangin, malamig ito, at nadala ang ilang hibla ng aking buhok. I miss this feeling.
Then I just remembered...
"Sabby, may dumaang shooting star! Mag-wish ka!" Xyl said. We are in the rooftop right now. I laughed.
"Wala naman akong hihilingin pa." Dahil natupad na simula noong dumating ka sa buhay ko, Xyl.
"Basta humiling ka pa rin. Tapos wag mong sasabihin kahit kanino para matupad!" Anito ng may ngiti sa labi. Parang talaga siyang bata.
Sinunod ko ang gusto niya. I closed my eyes and made a wish. "I don't want to lose Xyl. Sana hindi siya mawala sa buhay ko. I'm lucky to have him." I wished secretly. I opened my eyes and looked at him. He's looking at me with his smile.. his most precious smile.
Pero hindi ko alam na yun na pala ang huling beses na makakasama at makikita ko ang ngiti niya...
And my wish.. didn't come true... Mali ang inaakala kong swerte ako ng dumating siya sa buhay ko...