"Kung babalik bigla sa buhay mo si Xyl, anong gagawin mo?" She asked. Bumalik ang tingin ko sa kaniya.
"Bakit mo natanong?" Ako naman ang nagtanong. Umupo siya na sinundan naman ng mata ko.
"Xyl made a big impact in your life. What if you see him again? What would you do?" Tumingin siya sa akin. Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at tumitig sa kisame.
I already saw him.. again. Ano pa bang magagawa ko?
"Wala. Wala akong gagawin." Wala akong ginawa. I just pretend I did not know him and he did nothing to me. Yun lang yata ang magagawa ko.
"Sabrina..."
"Past is past, Cynthia. Ang mga dapat hindi na balikan, hindi na dapat binabalikan pa. Oo, masakit ang ginawa niya sa akin noon. Pero kahit ano namang gawin ko, wala ng mangyayari. Wala ng magbabago. Hindi ko na mababago ang katotohanang pinaglaruan niya lang ako, pinagmukhang tanga at niloko. Pero, kahit gano'n, I still want to thank him.. for hurting me. Kasi dahil doon, binigyan kong importansya ang sarili ko at mas minahal ko ang sarili ko. I started taking care of my body na hindi ko naman ginagawa noon bago niya ako saktan. Ayokong magpakalugmok sa nakaraang hindi na naman mababalikan. I accepted that fact and moved forward. I took that as a lesson in my life. It happened for a reason, maybe, to make me a better person. Kaya kung sakaling makita ko man siyang muli, wala akong gagawin. I will just pretend I don't know him. It's better to stay away from him and never let history repeat itself." Mahaba kong litanya. Ayoko ng maulit muli ang nangyari noon. Kung makita man ako ni Xyl ulit, wala akong choice kung hindi ang ipagtabuyan siya o layuan. Kung kailangan kong maging mataray o suplada para lubayan niya ako, gagawin ko. Wag niya lang akong lapitang muli.
Pero sa tingin ko naman ay hindi na niya ako naaalala. Katulad na lamang kanina, may babae na agad siyang nahanap. Siguro naman ay hindi na niya ako guguluhin pa, hindi ba? Kung sakaling makita man niya ako, hindi naman na siguro niya ako papansinin, hindi ba?
"Sabby, I'm so happy." Turan ni Cynthia. Tumingin ako sa kaniya at nakitang maluha-luha ang kaniyang mata. Napaupo naman ako.
"Hey, are you crying?" Baliw talaga 'tong si Cynthia. Hay nako.
"Eh kasi ikaw. I'm so worried pa naman na baka nilulunod mo yang sarili mo sa nakaraan dahil sa nangyari. Masaya ako na kabaligtaran pala ang nangyayari. I'm glad to know you're totally healed and moved on." Totally healed? Not really. I'm still waiting for something.
"You're worrying for nothing, Cynth. Ayos lang ako," sabi ko na sinundan ng isang hikab. Napatawa na lang kaming dalawa.
"Matulog na nga tayo. Baka magdrama ka pa dyan eh." Sumimangot si Cynth sa sinabi ko. May ikukwento nga ito, alam ko na.
"Fine. Bukas ko na lang ikukwento ang sa akin and you wouldn't believe it!" Aniya. Now I'm wondering.
"Nakita mo sa US si Cole?" Hula ko na kinalaki ng mata niya.
"Paano mo nalaman?" Gulat niyang tanong. Inirapan ko naman siya. Ano pang magiging dahilan kung bakit gano'n ang tanong niya sakin kanina?
"You're way too obvious," sagot ko. Nalungkot naman ang kaniyang mukha.
"Hindi ko alam ang gagawin ko, Sabby." Napabuntong hininga ako. Mukhang hindi talaga agad ako makakatulog.
•••
Kinabukasan...
"Aalis ka na?" tanong ni Kuya Warren na kakababa lang ng hagdan. Tango ang isinagot ko sa kaniya.
"Ihahatid na kita," saad niya.
"Talaga?" He nodded. "Thank you, Kuya!" Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse ni Kuya Warren.
"Kuya, hanggang kelan kayo dito?" tanong ko. Nagsimula na si Kuya mag-drive.
"Cynthia will stay here for good. Ako, baka bumalik pa ako doon. Alam mo naman," He's pertaining to their businesses abroad. Napatango naman ako.
"I see. So si Cynthia ang mamamahala sa mga business ninyo dito?" Obviously, Sabrina.
"Yup. I trust Cynthia. Alam kong magagawa niya yun." Sumang-ayon ako kay Kuya Warren dahil tama naman siya.
Nakarating kami sa H'nL. Bumaba si Kuya Warren at pinagbuksan ako ng pintuan.
"Thank you, Kuya." Nakangiti kong saad. He patted my head.
"Sa bahay ka na umuwi. Susunduin ulit kita mamaya." Umiling ako sa kaniya. Ayoko namang maabala pa siya.
"Kuya, gabing-gabi na ang labas ko. Magbabyahe na lang ako," sagot ko naman.
"No. Susunduin kita and that's final." Napabuntong hininga na lang ako. May magagawa pa ba ako?
"Okay po." I surrender. Si Kuya Warren 'yan. Mahirap makipagtalo d'yan.
Tumawa siya. Hinila niya ako at niyakap. "Time flies so fast. Ang laki-laki mo na."
Yumakap ako pabalik. "Ang tanda mo na kasi, Kuya. Mag-asawa ka na. Baka maunahan ka pa ni Cynth." Biro ko. Humiwalay naman siya at kinurot ang pisngi ko.
"Sa tingin ko rin," sabi naman niya kaya natawa kaming dalawa. "Oh, sige na, pumasok ka na. I'll pick you up later, okay?"
Tumango ako sa kaniya. Pumasok naman na siya sa kotse at pinaandar ito paalis. Tiningnan ko lang ito hanggang sa mawala na sa paningin ko.
I heaved a sigh. Time to work again, Sab!
Naglakad na ako papunta sa entrance. Pero bago pa man ako makapasok ay may humila sa kamay ko at inikot ako paharap sa kanita.
"What—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng mapagtanto ko kung gaano kalapit ng mukha ko sa taong humila sa akin. Ang kanyang isang bisig ay nasa akap sa bewang ko. At mas laking gulat ko nang makitang si Xyl ito!
"Mine..." he said right in front of my face. Our lips are almost touching and my heart is pumping so hard!
"You—"
Nanlaki ang aking mata. WHAT. THE. HELL.
HE'S FREAKING KISSING ME!
He pinned me to the wall and his kiss is getting aggressive. I tried to push him away from me but he's too strong! Pinipilit niyang buksan ang bibig ko pero hindi ko siya pinahihintulutan.
He bit my lower lip. Pero nanatiling tikom ang bibig ko. No! I don't want to be kissed by him!
Pinilit kong kumawala sa mga bisig niya. I struggled. Ginawa ko ang lahat para makawala. I hate this. I hate being in this kind of situation. I don't know why he's kissing me right now pero hindi naman tama na basta-basta na lang niya akong hahalikan!
Nagawa ko naman ito at isang sampal ang ginawad ko sa kaniya. Sa lakas nito ay tumabingi ang mukha niya. He's making me mad.
"ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO?!" Galit kong sigaw. Pinunasan ko ang labi ko sa harap niya mismo.
"I-I'm.. I-I-I'm s-sorry.." Nauutal niyang saad. Mukhang natauhan din siya sa ginawa niya. He tried to reach me pero umiwas ako. He's such a jerk!
"W-Wag kang lalapit! WAG MO AKONG HAHAWAKAN!" sigaw ko. Dali-dali akong tumakbo paalis sa harap niya. Pumasok ako sa loob ng H'nL.
Inayos ko ang sarili ko. I need to calm down! Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa ginawa ni Xyl. Oh, crap! Ano bang kailangan niya sakin?!
Bakit niya 'yun ginawa? Why did he kiss me? Gusto ko siyang sampalin.
Ilang beses akong nagpakawala ng malalim na hininga bago tuluyang pumasok ng locker area. Agad kong nakita si Ryka na mukhang kanina pa. Nakabihis na ito ng uniporme.
Nagbihis na rin ako ng uniform at nag-in. Inalis ko sa isip ko ang nangyari kanina. Makakaabala lamang ito sa trabaho ko.
Naging ayos naman ang trabaho ko hanggang sumapit ang oras ng break ko. Sabay-sabay kami nina Ryka at Hiro na pumunta ng pantry dala ang mga pagkain namin. Magkakasabay ang lunch namin. Yun na rin siguro ang dahilan kung bakit sila lang ang kaibigan ko. Though si Theo naman ay medyo hindi ilag sa akin.
Umupo kami at nagsimula ng kumain.
"Huy, Himala. Ayos ka lang ba?" tanong ni Ryka. Napatigil ako sa pagsubo at tumingin sa kaniya.
"Oo, ayos lang ako," sagot ko. Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.
"Shigurado ka ba? Pawang hinji naman?" tanong ni Hiro na punung-puno ang bibig ng pagkain.
"Sigurado ako," sagot ko. Nagkatinginan silang dalawa at nagkibit-balikat. Hindi ko na sila pinansin at tinapos na lamang ang pagkain ko.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin at nagkukwentuhan ang dalawa.
"Ay, oo nga pala, Mira, may ka-date ka na ba sa prom?" tanong ni Ryka. Prom? Jusko, napatagal pa naman noon. January 16 pa lamang. Isang buwan pa. Umiling na lamang ako. Hindi ko rin naman alam kung pupunta ako. Kung sakali man, si Kuya Warren na lang ang isasama ko.
"Prom? Excited ka ba, Ryka? Sa isang buwan pa yon. Matagal pa," sagot naman ni Hiro.
"Ano bang paki mo?" sagot sa kaniya ni Ryka.
"Sus, gusto mo lang maka-date ako. Don't you worry, baby, I will date you." Saka siya kinindatan ni Hiro. Nagusot naman ang mukha ni Ryka at magsasalita na sana ng biglang may nagsalita...
"Elene.."
...na ikinatigil naming lahat.
I turned around and saw him there standing. "Xyl.." I whispered.