"Mira! Bilisan mo!" Tawag sa akin ni Ryka. Kung bakit ba naman kasi may huddle pa eh tapos na ang shift ko!
Dali-dali kaming nagpunta sa taas, sa second floor. Halos lahat ay nandito na ang kulang na lamang ay ang magha-huddle sa amin. Sino pa ba? Edi si Sir Brix.
"Nandito na ba ang lahat?" Sabi ng boses na nanggagaling sa aming likuran. Nasa pinakalikod kasi kami ni Ryka. Pero hindi ako nagtangkang lumingon.
"Opo," They answered in unison. Pumunta si Sir Brix sa pinakaunahan. Iginala niya ang kaniyang mata. Sana ay hindi niya ako makita. Para makasiguro, tumungo ako ng bahagya. Hindi naman ako ganoon katangkaran kaya natatakpan ako ng mga nasa aking unahan. Perks of being small.
"First of all, congrats and thank you for all your hard work. If it weren't for all of you guys, walang Hins 'n Lau ngayon. So to express my gratitude, I would like to tell you that.. we will be having a team building next month, February. At wala kayong babayarang kahit ano. Sagot ko lahat." Anunsyo niya na ikinatuwa ng lahat. Pero mukhang ako lang yata ang hindi natutuwa. This is not good.
"Sir, saan po tayo magti-team building?" Tanong ni Aliyah.
"That is not sure yet. Pag-iisipan ko pa kung saan. If you have venue suggestions, just tell Yumi about it. Okay? So that's it. You're all dismissed." Yumi Oshiba, our Assistant Manager. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na rin siya.
Thanks, God. Nakahinga ako doon ng maluwag.
Umalis na rin kami doon. Inaantok na ako. I want to sleep and rest.
"Miracle, saan ka sasakay?" Tanong ni Ryka. Nasa labas na kami ngayon. Siya ay nakasakay na sa motor niya.
"Taxi na lang." Magga-Grab na lang ako ng taxi.
"Waaaahhh, sorry Miracle. Hindi kita maisasabay. Alam mo namang hindi ako marunong mang-angkas." Aniya. Bago pa lang din kasi siyang nagmomotor kaya hindi pa siya masyado sanay.
"Ayos lang. Sanay akong magcommute." Sagot ko naman.
"Oh, sige. Maiwan na kita ah? Naghihintay pa sakin si Mama sa bahay. Ingat ka."
"Hm. Ingat ka rin." Kumaway ako sa kaniya hanggang sa nakaalis na siya. Ganito naman lagi kaya ayos lang sakin. Ang iba kasi sa mga kasamahan ko sa trabaho ay may mga motor tapos ang iba naman ay malapit lang ang bahay dito kaya ako lang ang naiiwang mag-isa at nagko-commute. May kasabay naman ako minsan, si Hiro. Kaso rest day ni Hiro ngayon.
Napahugot ako ng malalim na hininga saka ito pinakawalan. Why is life so hard?
Kinuha ko ang cellphone ko. Kailangan ko ng kumuha ng taxi para makauwi na.
Sa kalagitnaan ng ginagawa ko, may tumigil na magarang puting kotse sa harap ko. I was taken aback. It startled me, my goodness!
Nakatingin lang ako sa kotse. Sino ba ito? Baka mandurukot 'to ah? Pero sosyal. Maganda ang kotse. Yayamanin ang mga mandurukot?
Bumukas ang pinto ng driver seat at lumabas ang hindi ko inaasahang tao.
Kumabog ang dibdib ko at muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko ng makilala kung sino ito.
Oh my, God.
"Hello there, my dear Sabrina." Nakangiti nitong saad, exposing his white teeth.
"KUYAAAAAAAAAAAAAA!" Gulat at masaya kong saad at saka ako tumakbo papunta sa kaniya. Sinalubong naman ako ng mga bisig niya.
"Namiss mo ako 'noh?" Natatawa niyang saad. My ghad, si Kuya Warren! He's finally here!
"Kelan ka pa umuwi?" Tanong ko ng makahuma at bumitaw sa kaniya. "Totoo? Umuwi ka na talaga? Kelan pa? Bakit hindi mo sinabi? Dito ka na titira? Nasaan ang kapatid mo? Nasaan si—"
"SABBYYYYYYYYYYYYYYYY!" Speaking of the devil. Lumingon ako sa kaniya at nakitang kakababa niya lamang sa bagong dating na kotse. Tumakbo siya palapit sa akin at dinamba ako ng yakap.
"I miss you, Sabbyyyyyyyyyy!" My best friend is here! Niyakap ko naman siya pabalik.
"Hindi kita namiss eh." Sabay tapik sa likod niya. Humiwalay naman siya sa akin.
"Nahiya ka pa! Alam ko namang miss na miss mo na ako." Inirapan niya ako.
"Oh? Buti ka pa alam mo. Ako kasi, hindi ko alam eh." Sagot ko naman. I'm suppressing my laugh right now. Ang sarap talagang inisin nitong kaibigan kong ito.
"You, meanie!" Niyakap niya ulit ako. "Pero namiss talaga kita!" Natawa na lamang ako. Sila.. Sila ang natitira kong pamilya.
"Tama na nga ang moment ninyong dalawa. Sabrina, sa bahay ka na umuwi. Namimiss ka na rin daw ni Mommy. Hindi ka na raw dumadalaw." Saad ni Kuya Warren. Bumitaw kami ni Cynthia sa isa't isa.
Napakamot naman ako sa aking ulo. "Eh kasi busy sa school at trabaho. Pero teka, paano ninyo nalamang nandito ako?" Tanong ko naman.
"Sabby, kami pa! Anyway, bakit hindi pa tayo umuwi sa byahe na tayo magkwentuhan? Marami akong chika sayo!" Cynthia giggled. Mukhang hindi agad ako makakapagpahinga. Tumango naman ako.
"Okay, let's goooo!" Ani Cynthia. Umalis na rin kami doon.
Si Cynthia. Cynthia Del Marcos.. she is my best friend since first year highschool. Alam niya rin ang mga nangyari sa akin noon. Maging ang tungkol kay Xyl.
Katapid niya si Kuya Warren. He's already 33 years old. Wala pang asawa pero may girlfriend naman. Galing silang US. They stayed there to train Cynthia. Siya kasi ang mamahala sa isa sa mga negosyo ng pamilya nila.
They both treat me as their sister. Kaya kapatid din ang tingin ko sa kanila. They treat me as a family member, maging ang mga magulang nila. Kahit papaano, swerte pa rin ako dahil meron pa akong katulad nila. Hindi pa rin ako nag-iisa.
Nakarating kami sa bahay nila. Alas dose na ng nakarating kami sa kanila. Gising pa rin sina Tita Zia at Tito Robert.
"Sabrina!" Tita Zia immediately hugged me the moment she saw me. I hugged her back.
"I missed you so much! Why aren't you visiting us here, huh?" Aniya ng alisin ang yakap sa akin. Muli akong napakamot sa aking ulo. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.
"Ikaw talagang bata ka! Di ba sinabi ko sayo, dito ka na tumira?" At sinimulan na niya akong kurutin sa tagiliran. Huhu, help.
"Aray, Tita Zia! Aray! Sorry na po! Busy lang po sa school at trabaho! Aray!" Inihaharang ko ang aking dalawang bisig sa mga kurot niya. Habang sina Cynthia, Kuya Warren at Tito Robert ay tumatawa lang na nanonood sa amin.
"Trabaho? May trabaho ka na naman?" Nakapamewang na ngayon si Tita Zia. Sesermunan na niya ako nito sigurado. They actually want to adopt me. Ako lang ang hindi pumayag. Hindi naman sa ayoko pero sapat na sa akin na pamilya ang trato nila sa akin. Okay na iyon. I won't ask for more.
Tumango ako sa tanong ni Tita Zia. Bumuntong hininga siya. "I'll will deal with you this morning when you wake up. Go upstairs with Cynthia and rest." Bumaling naman siya kay Cynthia. "Isa ka pang bata ka. May kasalanan ka rin. Mag-uusap tayo mamaya." Umalis na si Tita Zia kasama si Tito Robert na wala na ring naging imik. Napabuntong hininga naman kaming naiwan dito. Napatingin kami sa isa't isa at sabay-sabay na natawa. Sanay na kami kay Tita Zia. Ganyan talaga siya.
Nagpunta na kami sa taas ni Cynthia. We are sharing a room. Yun ang gusto niya kaya pumayag na rin ako.
Binagsak niya ang sarili niya sa kama niya. "Hindi pa rin nagbabago si Mommy. Nagger as ever." Natatawa niyang saad habang nakatingin sa kisame.
Hindi ako sumagot. Humiga na rin ako sa kama at nagbabalak ng matulog. Pero dahil kasama ko si Cynthia, imposibleng mangyari iyon.
"Hoy, Sabrina! Mamaya ka matulog! Wala kang pasok sa school!" Oo, Sabado na ngayon.
Binato ako ni Cynthia ng unan kaya napabangon ako. "Cynth, don't you have jetlag? Utang na loob, kung ayaw mong matulog, magpatulog ka." Binato ko sa kaniya pabalik ang unan.
"Kung ayokong matulog, hindi ka rin tutulog!" Binato niya ulit sa akin ang unan. Hindi lang isa, dalawa pa.
"Mag-isa ka!" Binalik ko sa kaniya ang unan niyang ibinato at dinagdagan ko pa ng isa. Tumama ang isa sakto sa mukha niya kaya napatawa ako.
"Ikaw..!" Dali-dali akong tumayo sa kama at hinanda ang sarili ko nang tumayo si Cynthia at susugurin ako. May hawak akong unan.
At ayun. It ended up in a pillow fight. We're laughing while attacking each other. We ran in the four corners of the room. We're throwing pillows to each other. Parang kaming mga batang naglalaro sa ilalim ng araw.
Nakakamiss. Namiss ko rin pala ang kaibigan kong ito?
"Ha!" Sabay kaming nahiga sa mga sarili naming kama. Napatingin kami sa isa't isa at natawa.
"That was so fun!" Ani Cynthia.
"Yeah. That exhausts me." Saad ko naman. Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Sabrina..." Tumingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa kisame.
"Hmm?" Binalik ko ang tingin sa kisame.
"Kung babalik bigla sa buhay mo si Xyl, anong gagawin mo?" She asked that made me lost my words.