“Uh…” Bumaling sa akin si Alexander. Isang awkward na ngiti ang isinalubong ko sa kanyang pagbaling. Matapos ang dinner ay naglalakad lakad kami ngayon sa garden ni Mama. Naiwan sila ni Papa sa loob –si Mama upang magligpit ng pinagkainan at si Papa na malamang ay tutulong. “Salamat sa pagpunta.” ngiti ko. Tumango si Alexander at nagpakawala rin ng isang tipid na ngiti. “Thanks for inviting me,” May nilabas siyang rectangular case at inabot sa akin. Bahagya akong nagulat dahil nag-abala pa siyang bigyan ako ng regalo. Malawak ang ngiti ko itong tinanggap. “S-Salamat…” Ang palamuti nitong ribbon ay nagustuhan ko. Ngumiti siya at naglahad na buksan ko ito. Marahan kong kinalas ang laso. Bumungad sa akin ang isang magandang charm bracelet. Nag-angat ako ng tingin kay Alexander. “Salamat,