Nakita nalang ako nila Mama sa labas ng bahay namin sa sumunod na araw. Hubo’t hubad at nakabalot lamang sa puting kumot. Agad nila akong sinugod sa ospital nang araw ding iyon… “Aling Dita kayo na po muna ang bahala kay Celine…” ani Mama habang hinahaplos ang aking buhok. Ipinagkatiwala nila ako sa isang kakilala’t kapitbahay at tutungo sila ni Papa nang araw na iyon sa istasyon ng mga pulis patungkol sa aking kaso… Naalala ko ang ilang beses na paghalik nila ni Papa sa noo ko bago tuluyang umalis. Ang ngiti sa kanilang mga labi na nagsasabing makakamit namin ang hustisya at magiging maayos ang lahat… ngunit… “Wala na ang mga magulang mo, hija…” Naging madulas ang kalsada dulot ng matinding ulan noong araw na iyon. Isang aksidente ang bumawi sa buhay ng mga magulang ko… Pakiramdam k