Tulala si Alexander pagkatapos marinig ang katotohanang iyon mula sa akin. Unti-unti kong pinahid ang mga luha sa aking pisngi. May mga hikbi paring kumakawala sa mga labi ko ngunit sa hindi ko lubos maipaliwanag na kadahilanan ay parang gumaan kahit papano ang dadamin ko matapos aminin iyon sa kanya. Narinig ko ang pagpapakawala niya ng isang malalim na buntong-hininga. Nag-angat ako ng tingin sa kanya gamit ang mga matang puno parin ng luha. "You were..." nahihirapang tangka niyang pag-uulit sa sinabi ko. Tango lamang ang tangi kong naisagot sa kanya. Then my shoulders shook as new batch of tears came running down my cheeks. Nag-uunahan kasabay ng pagbabalik ng madilim at nakakatakot na mga alaalang pilit kong binabaon sa limot noon pa man. Inabot ako ng mga matitipunong braso ni Ale