Chapter Nine

1141 Words

"After class, shopping tayo?" sabi sa akin ni Camille. Nasa cafeteria muli kami at sabay na kumakain ng lunch. Bahagya ko siyang nilingon at inilingan. "Hindi ako pwede. Susunduin ako mamaya ni Alexander, saka wala din naman akong panggastos..." "I-text mo. Magpaalam ka, at anong wala? Nakita ko 'yong cash at cards dyan sa wallet mo." kontra niya. Napailing iling ako. "Hindi naman sa 'kin. Kay Alexander 'to." "Ibibigay ba naman niya 'yan sa 'yo kung hindi mo lang rin naman pwedeng gastusin? Ano 'yon pinapatago lang," Hangga't maari ay ayokong gastusin itong allowance na binibigay ni Alexander. Kung pwede nga lang magbabaon ako ng lunch. Ang mahal din kasi ng mga bilihin sa cafeteria. "Pasensya na Camille." Naiiling siya habang nagsuslat sa kanyang notebook. "My treat. Sige na Celine

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD