Nagising ako sa mabigat na nakadagan sa katawan ko. Unti unti kong minulat ang mga mata at natagpuan si Alexander na nakapulupot sa akin. Tanging ang comforter lang ang tumatakip sa mga hubad naming katawan. Bahagya akong gumalaw at narinig ang munti niyang pag-alma. Napangiti ako at marahang tinapik ang kanyang pisngi. "Alexander, male-late ka na sa trabaho..." at ako rin sa klase. "Hmm..." iyon lamang ang isinagot niya. Napabuntong hininga ako't pilit na umalis sa kama. Mabilis akong nagluto ng breakfast. Pagkatapos ay naligo na at nagbihis. Kasalukuyan akong nagsusuklay ng medyo basa pang buhok habang muli siyang ginigising. "Alexander, anong oras na..." patuloy ko. Ilang sandali pa ay bumangon narin siya. Diretso siya sa bathroom upang makaligo narin. Halos mapatili pa ako nang wala