Pinagmamasdan ko lang si Camille habang sarap na sarap ito sa kinakain niyang isang filipino dish. Nag-angat siya ng tingin sa akin nang mapansing nakatingin lang ako sa kanya habang sumisimsim dito sa aking tea. She made a face. Natawa nalang ako. "Hindi ko parin nakakalimutan 'yong boses ng isang lalake na sumagot sa tawag ko sa 'yo-" "Celine! Huwag mo na nga ipaalala." sumimangot siya. Natawa akong muli. "Sino ba 'yon?" I can't help it but tease her. Tinutukoy ko iyong lalaking sumagot sa tawag ko sa kanya noong gabi ng charity gala. Hindi na kasi kami halos nagkita doon sa event dahil sa mga nangyari. Kaya tinawagan ko nalang siya noong makauwi ako. "Basta!" naningkit ang mga mata niya sa akin. Natawa nalang akong muli. May hint na ako kung sino iyon. Siguro ay hindi palang ta

