I woke up the next morning na halos nasa gitna na ako ng malaking kama. Agad akong napabalikwas at agad inalala ang mga nangyari kagabi. Si Alexander. Siya ang una kong naisip. Bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok ang topless na si Alexander dala ang isang bed table na may lamang breakfast. I bit on my lower lip. Bakit hindi siya nagdadamit dyan! Oo na at lalong gumanda ang katawan niya. Pero sana naman ay naisip niyang may bisita siya at babae pa. "Good morning." nakangiti niyang bati. Dahan dahan lang akong tumango. Lumapit siya sa kama habang nanatili naman akong nakaupo doon. Nilapag niya ang bed table sa aking harapan. "Eat." aniya. Kinuha ko ang kubyertos at unti-unting nagsimula sa pagkain. Kaso ay medyo nakakaasiwa naman dahil tinitingnan niya lang ako habang kumakain. Na

