Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakatingin lang sa calling card na iniwan sa akin ni Zian. I sighed then took my phone. I dialed the number at matapos lang ang isang ring ay sinagot niya. "Zian." Ilang sandaling hindi agad nakasagot ang sa kabilang linya hanggang sa makarinig ako ng pagbubuntong hininga. "Celine," So the next day ay napagkasunduan naming magkita sa isang 'di kalayuang coffee shop. Naroon na ito noong dumating ako. With a sigh I went straight to our table. Naupo ako doon katapat siya. "Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari noong gabing dinukot niyo ako." seryoso kong saad. Kalmadong tumango tango si Zian. "Um-order ka muna." aniya. Suminghap ako at nagtawag na muna siya ng waiter. Iniwan din kami nito matapos kuhanin ang aming order. I heard

