Tulala ako habang pinagmamasdan ang mukha ni Alexander na payapang natutulog. Nakadapa siya sa kama at natatakpan lamang ang hubad niyang katawan ng comforter sa baywang pababa. Mahina akong nagbuntong-hininga at kinuha na 'yong papel at ballpen. Sa bedside table na naroon ay nag-umpisa akong magsulat. Nagbadya ang mga luha sa sulok ng aking mga mata habang nagpapatuloy sa ginagawa. Sana kapag nabasa ni Alexander ito bukas paggising niya ay maintindihan niya ang pinili kong desisyon. Matapos makapagbihis ay lumapit muna ako sa kama. Maingat kong nilapit ang mukha kay Alexander para marahan siyang mahalikan sa kanyang noo. Tumayo ako at unti-unti ng nilisan ang kuwarto niya. Hindi ko napigilan noong nasa loob na ako ng elevator ay tuluyang bumuhos ang aking mga luha. Masakit para sa aki

