Binuksan ng isang guard ang gate para sa akin. Lumabas ako at agad nilapitan ni Alexander noong makita niya. Niyakap ko ang sarili nang maramdaman ang lamig ng gabi. Hindi ko na halos naisip na tanging itong manipis lang na sedang pantulog ang suot ko. "Celine," lapit niya sa akin. Nag-angat ako ng tingin at nagtagpo ang mga mata namin. Nakita ko ang pagod at pagsusumamo sa kanya. Bahagya akong napalunok. Kung nahihirapan ako. Alam kong ganoon din si Alexander. Kaya tama lang itong desisyon ko dahil pareho lang kaming mahihirapan. "Ang sabi ko ay umalis kana. Bakit narito ka parin?" Bigo niya akong tiningnan. My heart hurt even more. Suminghap ako. "Umuwi ka na. It's late. Gusto ko narin magpahinga." Lumapit pa siya sa akin. Napaatras ako. Tumigil siya at patuloy na lamang akong big

