Sa gabing ito ay pinilit kong ayusin ang aking sarili. Iñigo's coming over dinner. Nagpaluto na ako sa mga katulong at pababa na ng hagdan nang salubungin ako ni Iñigo ng ngiti at yakap. I went to him at hinayaan siyang yakapin ako. Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na nararamdaman ang sarili ko. "I became busy for the past weeks. I'm sorry." aniya nang kumalas sa yakap. Umiling ako at tipid siyang nginitian. "Okay lang. Hmm, dinner na tayo?" He nodded at hinawakan niya ang kamay ko papuntang dining area. Sa hapag ay nakasama namin si Travis habang pinagsisilbihan ng mga kasambahay. Saksi sila sa nangyaring pagpunta dito ni Alexander noong nakaraang gabi. Hindi ko pa sila nakakausap tungkol doon but I'm just glad na wala naman akong naririnig na kahit anong tungkol doon mula sa kan

