Limang taon. Limang taon din akong namalagi sa ibang bansa kasama si Auntie Meridel at ang kanyang pamilya. Naging mabuti ang pagtanggap sa akin ng mag-asawa at nag-iisa nilang anak. Sa mga lumipas na taon ay nakapagtapos ako at isa na ngayong interior designer. Hindi man ako nagtagumpay maging isang Arkitekto kagaya ni Papa na ginusto ko noon, ay mahal ko narin ang trabahong meron ako ngayon. Nasa harap ako ng niluluto para sa dinner, nang may mga kamay na tumakip sa paningin ko. Napangiti nalang ako at kilala ang taong gagawa nito. "Iñigo stop, nagluluto ako." bahagya akong napatawa. Tumigil din siya at dinungaw na ang niluluto ko. "The delicious smell is already making me hungry." humawak pa siya sa kanyang tiyan. Umiling ako at muling napatawa. "Makikikain ka na naman dito sa 'mi

