"Camille!" Nanlalaki ang mga mata ko. She just told me that she's going to be a mother! Gayong wala naman siyang nababanggit ni boyfriend sa akin. "Wala, hindi... balak kong maging single Mom." she even grinned. We're having a video chat. Isang buwan ng pamamalagi ko rito ay kinontak ko rin siya noon. Kaibigan ko si Camille at alam kong nag-alala siya sa biglaan kong pagkawala. Kaya pinili kong ipaalam sa kanya ang kinaroroonan ko at masabing nasa maayos akong kalagayan... "Natawagan mo na rin ba si Alexander? Your husband's been looking for you, Celine. Simula noong mawala ka. Nagpunta pa nga iyon dito sa 'min-" "Huwag na huwag mo itong ipapaalam sa kanya Camille... simula ngayon ay gusto ko na siyang kalimutan." Ilang sandali bago siya muling nakapagsalita mula sa kabilang linya. "A

