ILANG beses pa ang ginawang pagdayal ni Zale sa numero ni Ella pero hindi na naman nito sinasagot. Pero kapag sa text, sumasagot naman ito. Inis na binato ni Zale ang telepono sa kama nang matapos ang dalawang beses niya ulit na pagdayal. Hindi talaga nito sinasagot. Ilang araw na sa text lang niya ito nakakausap. Nalaman niyang pumunta pala ito nang araw na bumisita si Lexxie sa kanya. Hindi na raw tumuloy sabi ng guard dahil may tumawag daw dito. Lumabas siya sa silid niya at pinuntahan si Mauro na abala sa pag-garden. “Track mo nga telepono ni Cinderella. Alamin mo kung nasaan siya at kung ano ang ginagawa.” “Yes, boss!” Kaagad na binitawan ni Mauro ang hawak na maliit na shovel. Lumapit din ito sa gripo at naghugas ng kamay. Actually, si Mauro ang nagtanim ng ibang halaman niya