DALAWANG linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin siya lumalabas ng lungga niya. Nasa apat na sulok pa rin siya ng silid niya, tulala at shocked dahil sa mga nasasaksihan. Ang buong akala niya, katapusan na niya, pero hindi pa pala. Basta na lang siya iniwan malapit sa hotel na tinutuluyan nila ni Madeleine ng taong nagtakip sa bibig niya para mawalan nang malay. Malaking katanungan pero nagpapasalamat siya dahil wala na siya sa loob nang dumating ang mga tauhan ng Daddy niya. Ilang araw na rin kasi siyang hindi nagpapakita sa magulang niya bago pumasok sa bilibid kaya alam niyang nag-aalala ang mga ito sa kanya. Kaya nang malaman ng mga ito na nagkagulo sa bilibid ay kaagad na nagpadala ng tauhan para hanapin siya pero wala na siya doon, nakalabas na. At hanggang ngayon, walang alam