Chapter 25: Hatred

1836 Words

NAPA-STRETCH ng mga kamay si Cinderella pagkagising. Humikab pa siya kapagkuwan bago iginiya ang sarili paupo ng kama. Pero natigilan siya nang may mapagtanto. Kama? 'Di ba, sa couch siya nakaupo kanina? Teka, anong oras na? Inilinga niya ang mga mata. Nanlaki ang mata niya nang matapos tingnan ang paligid. Nasa kama nga siya at hindi pamilyar sa kanya ang paligid. Napasinghot siya mayamaya nang maamoy ang mabangong paligid. Parang pabango ng lalaki iyon kaya napalunok siya. Kahit nga ang disenyo ng interior, panglalaki! Nasaan siya? Napababa siya nang tingin sa sarili, ganoon pa rin ang suot niya. Pero nasaan siya ngayon? Ang huling alaala niya, matiyaga siyang naghihintay kay Zale sa opisina nito. Pero bakit wala siya sa opisina nito? Mabilis niyang iginiya ang sarili pababa ng k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD