THREE MONTHS AGO. BARANGAY SALUD, CARAMOAN... NAKANGITING sinundan niya nang tingin ang kamay ni Zale. Nakayakap ang isa sa bewang niya tapos nasa loob ng satin sleeveless top na pantulog naman niya ang isa. Pinadaan pa nito mula sa itaas nang ipasok nito sa loob ng kanyang suot. At kung hindi siya nagkamali, nilaro na naman nito ang dunggot niya hanggang sa makatulog. Iyon daw kasi ang pinakamabilis na way para makatulog ito. Sabi din nito, kapag hindi siya katabi, minsan daw, dinadalaw ito ng bangungot. Ilang beses kasing hindi siya tumabi sa binata noong hindi pa sila opisyal na magkarelasyon. Lalo na kapag naiinis, iniiwan niya ito. Paggising niya minsan, para itong lutang dahil kulang nga sa tulog. Inaabot siya nang konsensya kaya pinipilit niyang tumabi na lang dito. Inilinga