“MAY bisita ako, Ninong,” mahinang sabi niya dito pakuwa’y nilingon ang nobya na tumayo na. May tinitingnan ito tapos nakatalikod ito. “Gano’n ba. Pero may mahalaga akong sasabihin na dapat mong malaman ngayon.” Halata sa boses nito ang pagkasarkastiko sa boses nito nang sabihin nito ang huling kataga. “Sa labas na lang–” Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang marinig ang boses ni Cinderella sa likuran niya. “Marami ba ang inorder mo?” Napahilot siya sa sintido kapagkuwan. Nilingon na lang niya ang dalaga. At paglingon niya, kita niya itong natigilan habang nakatingin kay Ninong. “A-akala ko maraming pagkain ang kukunin mo, tutulungan sana kita. M-may bisita ka pala.” “Yeah. Um, Is it okay if you stay a little bit in my room?” aniya sa dalaga. Hindi naman ‘yan tanong, pakiusap iyo