"I can’t trace the IP address, boss," ani ng kausap niyang hacker na tauhan din niya. “Pero susubukan ko po ulit,” dugtong pa ni Mickey sa kanya. Pagkatapos na mabasa ang message ni Ella tungkol sa post na nag-viral kanina ay kaagad niyang tiningnan ang email nito para kompirmahin at galing nga sa mismong account nito ang mensahe. Tulog na tulog daw ito nang i-send iyon sa manager nito. Kaya naman pina-check niya kay Mickey ang account ni Samson para kunin ang IP address at metadata mula sa mensahe ni Ella, para malaman nila kung saan nanggaling ang lokasyon. May access siya sa email ni Ella, matagal na. Maging sa phone ng dalaga. Pero hanggang doon lang, hindi niya pinapakialaman. Tinitingnan, oo. Maliban sa kanya, si Mauro ang nakakaalam din niyon at ito ang nagche-check pero never si