“D-DAD, a-anong ginagawa mo dito?” “Do I need to answer that, Cinderella?” Napalunok siya sa tanong ng ama. “I’m sorry.” Tumingin ang ama kay Zale. Hindi pa rin bumibitaw ang kamay nito sa kanya. “You must be Akilah’s first son.” “Yes, Mr. President.” Tumangu-tango naman ito pagkuwa’y tumingin sa anak. “Can I have a word with you, anak?” “S-sure, D-Dad.” Tumingin siya kay Zale na seryoso na. Ngumiti siya dito at bumitaw. Nagpaalam naman kaagad ito na pupunta lang sa silid nito. Nagpaiwan sila ng ama sa labas. “Hindi ho ba delikado dito sa labas, Dad?” Inilinga pa niya ang paligid. Open space at walang katao-tao din kaya nag-aalala siya. “Don’t worry. We’re safe. Now…” Hinagod muna siya nito nang tingin bago nagsalita. “What’s wrong with your hair? Parang maayos naman ang nakita