Chapter 20: Ugly Creature

1532 Words

“HINDI pa rin bumababa ang lagnat mo?” Napatango siya kay Madeleine nang tanungin siya nito. Pangalawang araw na niyang nilalagnat at hindi niya masabi sa assistant ang naging dahilan. Hindi niya masabing nasobrahan sa pakikipagtalik kay Zale. Binalaan na siya ni Zale na baka ikasama nang pakiramdam niya, still, sumige siya. Hindi kasi niya alam na malakas ang stamina ni Zale pagdating sa bagay na ‘yan. “Baka iba ba ‘yan. Naku! Tumawag pa naman si Madame at kinumusta ka.” “Wala kang sasabihin sa kanya, Mad. Baka bigla niya akong pauwiin ng Maynila.” “Kaya nga hindi ako nagsalita. Ang sabi ko lang sa Mommy mo, umalis ka.” Napapikit pa ito. “Baka matanggal talaga ako sa trabaho oras na malaman nilang napapabayaan kita dito.” “Hindi mo ako napapabayaan. Ako lang ‘tong matigas ang ulo. Ok

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD