Chapter 35 GIAN POV Nasa harapan na namin ngayon ang kaharian ng Dark Wizard. Patuloy pa rin kami sa pag-atake at pag abante. Pinaka prinoprotektahan namin ang mga healer na kasama namin para na rin makatagal kami. 'Nakapasok na kami dito sa likod' isang tinig na narinig ko sa utak ko kaya napapikit ako saglit dahil hindi pa rin ako sanay. Mula yung sa grupo nila Ziah. Kami ay malapit na ring makapasok. Inubos namin ang lahat ng mga umaatake sa amin. Laking pasalamat ko at pinaka mas marami ang nandito sa lupa kaysa sa himpapawid dahil kung hindi ay mahihirapan kami. "Bilisan natin!" sigaw ko at tumakbo na. Nang makalapit kami sa isang pintuan ay nakasabay namin ang grupo nila Aeron. "Andaming mga nasa himpapawid sa pwesto nila Luis ngayon" agad na bungad sa akin ni Hershel. "K