Chapter 36 Ziah Pov Tumakbo kaming tatlo papunta sa lugar ng kung saan nakalagay ang portal noon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba dahil sa nangyayari. Napadaan kami sa mga pamilyar na matataas na puno, nakita ko rin ang ibang mga bulaklak na tinayanim ng mga bata noon na ngayon ay napalilibutan na ng mga makakapal na damo. Wala na ring gaanong nakakapunta dito mula noon dahil wala naman na ang portal na kadalasang ginagamit namin noon. Napakalakas na uri ng portal iyon dahil kaya ka niyang dalhin mula sa isa dimensiyon patungo sa isa. "May nararamdaman ako" rinig kong malakas na sigaw ni Gian sa tabi ko at patuloy pa rin kami sa pagtakbo habang si L.M ay nauuna. "Fire dragon!" nanlalaking matang napatingin ako kay L.M ng bigla niuang sinummon ang fire dragon niya at ang