Chapter 29 ZIAH POV Inumpisahan na namin ang pag-tetraining. Maraming estudyante ang nasa field na nakikipag one on one sa kung kani-kanino para mahasa ang skills nila at para mapatibay ang stamina nila para makatagal sa laban dahil sa digmaan kailangan naming makatagal lalo na kung ang mga makakalaban namin ay malalakas. "Tubig?" tanong ni Donna kaya malugod ko naman itong inabot. Nakita kong may unti siyang mga gasgas sa iba't ibang parte ng katawan niya kaya napangiwi ako. Paano naman kaya ang pagtetraining nito? Pero sa'ming laha si Tanya lang ang hindi ko pa nakikita. Hindi ko rin alam kung nasaan siya, pati nga ngayong araw ay hindi ko alam kung nasaan siya. Huling nakita ko siya ay kahapon ng umaga kasama si Luis at seryosong nag-uusap. " lalim naman niyan " sabi ng lalaking