Chapter 30 TANYA POV "Nagtataka na sila kung bakit hanggang ngayon ay di ka pa nagtetraining" sabi agad ni Luis sa akin na katatapos lang magtraining, inabot ko sa kaniya ang tubig. "Sila nga lang ba?" nang aasar na tanong ko kaya inirapan niya lang ako at mas napahagikgik na lang ako. "Fine, ako rin nagtataka. Bakit ba hindi ka nagtetraining?" seryosong tanong niya. Tipid lang akong ngumiti bago sumagot. "Sekretong malupit" tsaka ako tumayo ng natatawa. Saglit lang rin akong umiling at kininditan siya ng may ngisi sa aking mga labi. Maglalakad na sana ako palayo sa kaniya ng bigla akong nanigas dahil sa yakap niya sa akin. "Amoy pawis ka," komento ko sa kaniya, kahit na amoy ko pa rin ang bango niya. "Atleast mabango pa rin" mahanging sabi niya at sabay kaming napatawa. "Yeah, wha