Chapter 31 LUIS POV "Nasaan si Tanya?" nagpapahinga kaming lahat ng biglang lumitaw ang headmistress na natataranta. Ang iba sa amin ay napatayo na din dahil sa gulat. "I thought she's with you. Hindi ko rin po siya nasamahan kanina dahil sa training. " sabi kobat nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Lalo na nung bigla siyang napaupo at dali dali naman siyang inalalayan nila Gian. "Nakuha na si Tanya," tumingala naman siya saglit bago nagsalita ulit "Nakuha na siya ng mga black wizards," naiiyak niyang sabi. Naguguluhan ako sa nangyayari " I saw a blood in my office and I know for sure that it is tanya's. Paniguradong naamoy niya ang bulaklak ng Herastriya kaya madali siyang nakuha" nanghihinang sabi niya. "Anong meron sa bulaklak ng Herastriya? at paano siya nakuha ng mga black w