ISANG masayang samahan ang nakita ni Count kina Jime at sa mga dati nitong kasamahan na nakaligtaan nito nang mabulang sa maling pananaw sa buhay. Ngayong nauunawaan na ni Jime ang lahat ay nakiusap na bumalik sa organisasyon, ipinangako nito sa kaniya na handang gawin ang lahat upang makabalik lamang sa organisasyon. Handa rin itong magsimula muli gaya ng nararapat. “Mr. Ahsfort…” Napahinto si Count sa paglalakad upang magtungo sa parking nang mayroong pamilyar na boses ang tumawag sa kaniya. Sa kaniyang pagharap ay si Jime ang bumungad sa kaniya. “What is it Jime? Pupwede ka nang magsimula ngayon para sa nalalapit mong mga pagsubok.” Muli kasi itong daraan sa mga pagsubok upang masuri ang kakayahan at lakas. Datapwat kabisado na ni Jime ang proseso at matagal nang may napatunayan ay