“SERENITY, what are you doing?” Kumunot ang noo ni Count nang makita ang asawa na katatapos lamang makipag-usap kay Brix. “Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka rito sa headquarter? At anong pinag-usapan ninyo ni Brix?” Lumapit siya sa asawa at pinagmasdan ang tauhan na si Brix na papalayo na. Kaalis lamang nito nang maabutan niya. “Anong meron?” sunod-sunod ang kaniyang mga naging tanong. Natawa ito at humarap sa kaniya. “I have to tell you something.” “Tungkol saan?” “About Brix, and the founder of Omega.” Yumakap ang asawa sa kaniyang braso at inaya siya nitong magtungo sa loob ng opisina nito. “Naghanap ako ng isang magaling na imbestigador sa underground world kamakailan lamang. Binaggit ko sa ‘yo ang tungkol doon, ‘di ba?” Pinag-isipan niyang mabuti kung nabanggit nga ba nito i