“MUKHANG hindi ka nagkamali ng bahay na pinasok. Nice to meet you.” Ngumiti si Serenity habang magkaekis ang braso sa dibdib. Nakasuot siya ng jacket at sombrero. Mahirap na at baka siya ay mahamugan. Magkakasakit pa sila ng anak. “Hindi ka naman mukhang magnanakaw, pero mukha kang pipitsuging criminal.” Hindi makakuha ng tamang sagot si Jasmine. Humigpit ang pagkakahawak sa dalawang punyal na hawak. Hindi yata tama ang oras at araw ng pagdalaw nito. “Do you think you can kill me this fvcking cheap way?” Pinagmasdan ni Serenity ang babae simula ulo hanggang paa. Humakbang siya papalapit dito, ang babae ay tila nanigas sa kinatatayuan. “Do you know me?” Jasmine didn’t answer. “Have you heard about my name before? Ms. O? Lady O?” Namilog ang mga mata ni Jasmine. Nang marinig ang bi