SINABI ni Serenity ang naisip na plano kung papaano mabubuking ang kung sino mang taksil sa kanilang grupo. Habang isinasagawa nila ang plano ay mayroon na silang dalawang pinagsususpetsahan ngunit hindi pa nais magpakasigurado dahil maaari pa rin silang magkamali, tulad na lamang ng nangyari kay Count at sa pagdududa nito kay Keith. Ganoon pa man ay kabilang pa rin si Keith sa mga taong pinagsususpetsahan ni Count. “Hindi ko aalisin ang mga mata ko sa kaniya. Kamaikailan lang nang simulan ko siyang paimbistigahan,” wika ni Count nang sila na lamang ng asawa ang maiwan sa silid. Hindi pa sila kaagad umalis dahil sa nangyari at nais nila itong mapag-usapan nang mabuti. “Hinihintay ko na lang ang tawag ng taong pinadala ko para malaman kung mayroon ngang ginagawang kababalaghan si Keith. M