MASUSI ang naging pagpaplano sa pamumuno ni Count. Maging ang pinakamaliit na detalye ay hindi niya pinalampas. Sa paraan kung paano siya mamuno ngayon at kung paano niya pagplanuhan ang mga bagay-bagay ay lihim na napapangiti ang kaniyang asawa na si Serenity habang pinanonood sila. Halos hindi na nga ito nagsalita pa sa buong oras ng pagpupulong, hinayaan siyang pamunuhan ang lahat. Ang mga tauhan naman ay maganda rin ang pinamamalas na kooperasyon. Hindi sila masiyadong nahirapan bumuo ng plano dahil walang kumukontra o nagbibida-bida, hindi tulad noong nasa samahan pa si Gino. Naismid si Count sa naisip. Ibinaling niya ang atensyon sa asawa na katabi. “Are you hungry?” Umiling ito. “Hindi pa naman,” she replied, “May ilang araw pa tayo rito sa Vigan bago ang auction. Wala na ba tayong