NAABUTAN ni Count na mayroong pagpupulong sa loob ng headquarter. Hindi naman nabanggit ng isa sa mga ito na mayroong pagpupulong na magaganap. Napaisip tuloy siya kung anong meron. Naabutan niyang ang ilan sa mga tauhan ni Serenity na nasa loob ng isang conference room. Ang lahat ng mga ito ay pawang matataas na uri. “Anong mayroon?” takang tanong niya sa sarili habang nakatingin sa salamin na dingding ng isang silid kung nasaan ang mga ito. “Nagpatawag ng pagpupulong ang isa sa mga leader. Mayroon kasi kaming mga hanay at mayroong namumuno bawat isang team, ngunit si Lady O ang pinakamataas na pinuno.” Maigi at sinundan siya ni Jime. Mayroon tuloy nagsabi sa kaniya sa nangyayari sa loob. “Hindi ako sumama sa loob dahil hindi ko nais na magkaroon ng pagpupulong kung wala si Lady O.” K