UMUWI si Count sa bahay upang sana ay sabihin sa asawa ang balitang natanggap mula sa loob ng headquarter. Ngunit nang makita kung gaano ito kalugmok sa higaan ay hindi niya na itinuloy. Batid niyang stressed na stressed na ito at kung dadagdagan pa niya ay tiyak na hindi na nito kakayanin. Marami na itong iniisip, saka niya na lamang sasabihin. Marami pa namang araw. Siguro ay mas mabuti kung sasarilihin niya na lang muna ang lahat. Lumapit siya sa kama at tumabi rito. “Kumain na tayo.” Kanina niya pa nararamdaman ang gutom ngunit hindi makuhang kumain nang hindi kasabay ang asawa. Hinaplos niya ang buhok nito at dinampian ng halik ang noo nito. “I’m not hungry.” “You skipped your last meal, hindi na ulit puwede. Kumain na tayo, please?” Natahimik ito at hindi nagsalita. Tila nag-ii