Episode 118

1111 Words

“COUNT, I’m sorry.” Mahigpit na yumakap si Serenity sa asawa habang ang mga luha ay masaganang pumapatak. “Hindi na siya bata. Dalaga na ang kapatid ko.” Hindi niya napigilang mapahagulgol ng iyak. ㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ “Yes.” Tumango si Count nang sunod-sunod at marahan siyang inayang magtungo sa kanilang silid. “Kailangan na nating ipaliwanag sa kaniya ang lahat bago mahuli ang lahat. She’s too fragile. Madali siyang magagamit sa ‘tin ng mga kalaban kung magpapatuloy na wala siyang alam sa kaniyang paligid, at lalong-lalo na sa sitwasyong mayroon tayo.” ㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤ Tumango si Serenity. “I know, I know. Sana mas maaga kong sinabi sa kaniya. Para hindi na sumama nang ganito ang loob ng kapatid ko. Her words really kill me.” Nag-angat siya ng ulo at humarap kay Count. ㅤ ㅤ ㅤㅤ

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD