NANGANGATOG na sa lamig si Count nang makabalik siya sa headquarter upang ipakita sa mga kasamahan ang tungkol sa nabasa niyang text message sa cellphone ng asawa. Labis siyang nagtataka dahil paano nakuha ng mga ito ang numero ng asawa at nagawang i-text, tiyak din ang pagmamatiyag ng mga ito at saktong-sakto ang mga kinilos ngayong gabi. Nagamit ang pag-alis niya nang mag-isa upang maloko si Serenity. “What should we do?” Hindi siya mapakali at palakad-lakad pa rin kahit naka silong na sila sa isang silid. Ang kasama niya sa loob ay ang matataas na antas na mga tauhan ni Lady O. “Kailangan natin kumilos agad upang mabawi ang pinuno,” Jime said. “Pero hindi pa tayo sigurado kung totoo ngang nasa kanila ang pinuno. At hindi natin alam kung sino ang nasa likod niyan,” tugon ng pang babae