IILANG ORAS pa lamang na wala si Serenity ngunit pakiramdam ni Count ay guguho na ang kaniyang mundo. Nawawalan na siya ng pag-asang makikita pa itong muli, at kung mayroon pa mang tiyansa baka wala na itong buhay. Hindi niya maiwasang mag-isip ng kung anu-anong masasamang bagay. Natatakot siya sa sariling nararamdaman at sa kung anu-anong bagay na pumapasok sa kaniyang isip. Ngunit batid niyang kailangan na magpakatatag at gumawa ng paraan para rito. Dahil alam din sa sarili na kung si Serenity ang nasa kaniyang kalagayan at siya naman ang nawawala, tiyak na hahanapin din siya nito at gagawa ng paraan upang makita siya. Ito na ang tamang oras upang bumawi siya sa asawa. Kaagad na nagpatawag siya ng pagpupulong sa labas ng headquarter, at nagkaroon sila ng pangunahing bisita... ang taong