INAKYAT ng mga tauhan ni Gerald ang matataas na bakod ng village kung saan naroroon ang mansion na tinitirhan ng mga Owa. Ginawan ng paraan ng mga ito upang tuluyang makaakyat nang hindi nabububug o nakatatapak man lamang ng kahit na anong patibong. Bahagya na yatang nagsitalinuhan ang mga tauhan ng Omega. Natuto na ang mga ito at hindi na nagtatanga-tangahan pa. Paano ay hindi na nais maramdaman ang galit ng pinuno. Nang huli kasi itong magalit ay halos lahat ng mga kasamahan na nagkamali ay hindi na sinikatan pa ng araw. Ang mga ito ay may mga dalang armas. Balak na pasukin ang tahanan ng mga Owa at tuluyang kunin ang babaeng pinakukuha ng pinuno... si Serenity. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ Samantala, hindi makuhang matulog ni Count sa hindi niya malamang dahilan. Kanina pa siya nakaupo sa kama