Episode 127

1162 Words

MADILIM na ang buong paligid ngunit hindi pa rin nakikita si Winona. Ipinakalat na ni Serenity ang missing poster ng kapatid at nai-announce na ang pagkawala nito. Gaya ng wanted poster kay Gino, bibigyan niya ng malaking halaga ang taong makakita o makapagtuturo sa kinaroroonan ng kapatid. Kanina pa siya nasa balkunahe ng silid. Hindi magawang magpahinga. Kung ilang oras nawawala ang kapatid ay ganoon ding oras siya gising. Pakiramdam niya ay wala siyang karapatang matulog o magpahinga man lamang. Hindi rin napapagod sa matinding pag-iisip ang kaniyang utak. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ “Wala ka bang balak na magpahinga?” ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ Naramdaman niya ang asawa sag awing pintuan ng balkunahe. Nakasandal ito sa door frame at pinagmamasdan ang kaniyang likuran. Hindi siya kumilos mula sa k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD