HINDI MASIMULAN ni Gino ang binabalak. Lalo na at nagsimula siyang hanapin ng mga ito sa loob ng malaking bahay. Maigi na lamang at nakalalamang siya sa mga ito dahil kabisado niya ang lugar, dahil kung hindi ay kanina pa siya natagpuan ng mga kalaban at napuruhan na. “Asshole…” bulong niya at malalim na napabuntong hininga nang dumaan sa kaniyang gawi ang isang lalaking kasama ng mga ito. Maigi na lamang at nakatago siya sa kabilang pader at madilim ang paligid. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ “We needed to open the lights,” wika ng babaeng tila namumuno sa mga ito. Si Jasmine. Inilibot ang mga mata sa paligid maging ang flashlight na hawak at kinuha sa kasama. “Bakit ba walang mga switch dito? Nakakaimbyerna! Sira ata ang ulo ng dating may-ari ng bahay na ‘to.” ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ “Nariyan lang