TULUYAN NANG nakabawi ang organisasyon mula sa nawalang milyones nila sa Vigan. Ang totoo niyan ay mas lumaki pa ito kung ikukumpara noon. Sunod-sunod ang mga misyon na natatanggap nila sa grupo, sunod-sunod din ang perang pumapasok na ikinatutuwa nila. Nagtataka lamang si Serenity kung bakit tila naglahong parang bula si Gino at hindi na muling umaligid sa kanilang grupo upang patuloy na manabutahe. Matindi siyang napapaisip sa lalaki, nananahimik itong bigla at mayroon iyong masamang pangitain. Tiyak na mayroon nanaman itong ibang binabalak. Kamakailan lamang ay nakapag-usap na rin si Jime, Serenity at Count. Ang babae ay lubhang balisa nang araw na iyon at luha nang luha. Hinayaan ni Serenity na ibuhus nito ang lahat ng masamang nararamdaman upang gumaan ang pakiramdam bago tuluyang k