Episode 101

1035 Words

ABALA si Serenity sa pagpirma ng mga dokumento habang siya ay nasa opisina sa loob ng headquarter. Ilang oras na siya roon at walang balak na lumabas dahil sa dami ng kaniyang mga ginagawa. Sunod-sunod ang kanilang naging transaksyon at pagpasok ng biyaya sa kanilang grupo. Nagmula man sa masama at ilegal na gawain ay itinuturi nila itong biyaya. Huminto lamang siya sa pagtatrabaho nang makaramdam siya ng antok at mapahikab. Maya-maya ay tumingin siya sa suot niyang relo. “Bakit kaya hindi pa siya tumatawag?” tanong niya sa sarili dahil siya lang naman ang nag-iisang tao sa loob ng silid. Hinihintay niya ang tawag mula sa pinakamamahal na asawa. Nagtungo kasi ito sa bahay ng ama upang mangamusta. Hindi na siya sumama dahil hindi pa siya handang magpakita sa mga ito. Saka na lamang, mag-iip

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD