“SERENITY!” hinawakan ni Count ang braso ng asawa nang makita niya ito. Nakahinga siya nang maluwag, ilang minuto niya rin itong hinahanap. “What are you doing?” he asked and sighed. “Pinag-alala mo ‘ko. ‘Wag mo na ‘yang gagawin sa susunod.” “I’m sorry. Minamatiyagan ko sina Gino at ang lalaking ‘yon.” Tumingin ito sa gawi kung nasaan ang mga binanggit na lalaki. “The man beside Gino, siguradong siya ang kanilang pinuno. Ang pinuno ng Omega. I needed to know his identity. Hindi pupwedeng wala akong kaalam-alam sa taong kinakalaban natin.” “At sa tingin mo ba hindi nila alam na narito ka o minamatiyagan mo sila?” sarkastiko niyang tanong, “Iyan ang dahilan kung bakit may suot na mask ang lalaking ‘yan. Dahil alam niyang magiging interesado ka sa pagkatao niya.” Hinawakan ni Count ang pa