AT DAHIL kumpirmado na ni Count ang pagdadalang tao ng asawa ay halos magtatalon ang puso niya sa tuwa. Hindi siya makapaniwala at hindi maalis ang ngiti sa kaniyang mga labi. Ipinapangako niyang pag-iingatan ng labis ang ikalawang pagbubuntis ni Serenity. “From now on, you will stay inside our house. No stress.” Nanghingi na rin kasi si Count ng payo sa doctor bago sila umalis upang malaman kung ano-ano nga ba ang puwede at mga hindi puwedeng gawin ng mga nagbubuntis. Binanggit ni Doktora lahat kay Count at balak niya pang alamin ang lahat ng tungkol sa pregnancy upang mas labi itong mapag-ingatan. “What? But...” Pinakatitigan siya ng babae nang makapasok sila sa kuwarto upang magbihis. “No buts, Serenity, just listen to me. I know what’s best for you and our kid.” Naglakad siya papal