Episode 109

1176 Words

ANG AKALA ni Count ay makababalik siya kaagad dahil malapit lamang ang pagbibilhan ng bagoong na gustong kainin ng kaniyang mag-ina. Alam niya namang malulungkot si Serenity kapag hindi ito napagbigyan, at hindi niya iyon nais na mangyari. Bawal na bawal itong malungkot o sumimangot, lalong-lalo na ang ma-stress dahil hindi niya naman nais na pumangit ang kanilang anak. Hindi niya hahayaang mangyari iyon. Dapat ay maging kasing guwapo niya ito. May paghawi pa siya ng buhok habang iniisip iyon. “Alright, anong gagawin ko ngayon?” bulong niya sa sarili habang nakatulala sa loob ng sasakyan. Mayroon kaagad pumasok sa kaniyang isip. Hindi na siya basta-basta isang chef na lamang kundi isang tagapamuno ng isang ilegal na organisasyon, isa na siyang pinuno kaya naman pipitsugin ang ganitong baga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD