INAYA si Count na maupo sa sofa sa loob ng kanilang silid habang hawak-hawak niya ang brown envelope na ibinigay sa kaniya ng asawa. Bahagya pa siyang nangangalay sa byahe kanina kaya naman prente niyang isinandal ang likuran sa backrest ng upuan. “You sure hindi mo pa ‘to binubuksan?” “Yes, I promise.” Naupo si Serenity sa kaniyang tabi. “Talagang hinintay kita.” Pinatay muna nito ang cellphone upang hindi maabala at inilapag sa ibabaw ng center table. “Alright.” Huminga siya nang malalim. “Bakit ba kasi ang tagal mo?” Kumunot ang noo ni Count at tumingin sa misis. “Are you serious?” Tumingin din ito sa kaniya. “Why?” “I went to Pangasinan today.” “What?” Nagulat ito nang labis sa kaniyang sinabi. Napatitig sa kaniya. “B-bakit?” “You asked me to buy you bagoong alamang in